Monday, December 29, 2008

Professor Files part 2

E2 na ang part 2 ng aking professor files, yey! Joke lang, hindi ako nasisiyahan.

Kung sa part 1 ay nagfocus ako sa mga nakilala ko na math professors, this one naman will deal with some of my professors sa minor at cs subjects ko.

So, here we go.

Professor # 1
Codename: Babaing Einstein
Address: Nepal
Special Skills: Gayahin ang hairdo ni Einstein
Weakness: Pag hindi ala-Einstein ang hair nya, nanghihina siya
Strength: Meron ba xa nun?

So iyon na nga. This woman became my prof during my second term at Mapua. She handles Psychology classes, which explains her so-twisted brain and hairdo. Halos araw-araw eh ala-Einstein ang hair niya, the difference lang each day is, iniiba niya ung direksyon o degree ng hair niya. Ewan ko ba sa nilalang na ito. Hindi ba siya aware na hindi na uso ang ganung buhok? Mygad.

She's also a boring prof. Pagawa pa siya ng pagawa ng kung ano na wala naman talaga kinalaman sa subject namin. Tapos parang hindi pa Psychology ang class namin. Parang GMRC pa nga eh. Kurne kasi, puro terminologies at life-lessons. Damn it! I've had enough of those lessons please! Hindi na kami paslit!

And oh, she has a fetish for male foreign students, like my classmate Bilawal. He's from Iran. Ewan ko ba. Yun din ang sabi ng ibang students from other classes. Crush niya pa daw yung mukhang timang na Iranian sa isang class niya, sabi ng friend ko. Di ba? As in papatulan siya nun nuh, mukhang ancient chinchintaberu face na my hybrid ng akantori masukista ang fes nya. WTF.

Dapat siyang i-transport sa panahon ng world war one. Magsama sila ng idol nyang si Einstein.

Professor # 2
Codename: Chorva
Special Skills: Modelling, Gay-Lingo fluency
Weakness: Chorva?
Strength: Chenelyn Chorvakels

This woman naman became my professor at CS140- Problem Solving and Logic Formulation lecture. Nakilala siya sa mga puns niya na "Chorva!" o "Chenes i-netch mo." at kung anu-anu pa. Marami siyang alam na gay-lingo. Siguro bagay sila na maging mag-best friend ni Bheb. Magkakaintindihan sila for sure.

Marami din sa mga students niya ang may lihim na pagnanasa sa kanya. She has modelling skills kasi, plus the fact na she has the looks, and the body as well. Actually, wala talaga sa mga nabanggit ko ang gusto nila, hehe. Well, ang gusto lang naman talaga nila eh is her two "yummy biggies." I'd rather not say it totally. Basta yun na iyon. Ewan ko lang kung aware si Mam Chorva bout' that.

Hindi rin halata sa appearance niya na may hubby na siya. Iba kasi siya kumilos ng bonggang bongga.

Anyways, I kinda hate her for her poor explaining skills sa ibang lessons niya. Bat kasi ganun? Parang tinatagalog niya lang yung nasa book. Hindi man niya lang ineelaborate maigi. Tapos magugulat ka pa sa grade mo, even though alam mo that you deserve a higher one based on your scores.

Pero in fairness, pag mga logical at problem simulation na ang lesson, lumalabas bigla ang effectivity niya- both as a Computer Engineer and as a professor.

Pero sa totoo lang, hindi naman talaga ako hanga sa mga katangiang yun eh. Yung gay-lingo part lang talaga like ko sa kanya. Katuwa kasi. It's like music to my ears.

Chorva!

Professor # 3
Codename: Betco's the name
Special Skills: Gayahin si Dennis Trillo at John Cena
Weakness: Still Tracking
Strength: Cannot be determined

So, this guy. Actually, hindi ko naman talaga siya naging professor eh. I kinda like lang to share what I know with this guy.

Nakilala siya dahil kamukha niya daw si Dennis Trillo at sa ability niya to mimic John Cena and Rey Mysterio. Wrestling fan siya in short. Kinaiirita ko lang talaga yung lagi niyang pagmamalaki na kamukha niya daw si Dennis Trillo. Pero hilarious siya ah in fairness.

Naging legend siya sa Mapua not because of the things I mentioned above. Yun ay dahil siya na ata ang pinakatamad na professor sa lahat. Why? Kasi ayon sa mga naririnig ko eh madalas daw wala ang prof na 2, tapos kung mag-explain pa daw siya eh 15 mins. lang, then afterwards gorabels na siya. Mygad. At e2 pa. Tanga lang talaga ang babagsak sa kanya. Wag ka lang umabsent at kumuha ka lang ng finals, kahit wala ka ng ipinasa sa mga quiz mo at seatwork eh my tres ka na.

Here's a story that can support that statement. My friend daw yung naging classmate ko sa Analytic Geometry na naging student niya sa Trigo. Ayun. Di daw siya totally nag-aaral nor nagpapasa ng hw. Pero pumapasok, oo. Tapos nung finals na niya, wala siyang ibang sinulat kundi ang name niya, then left ten munutes after the exam had started.

Ang naging grade niya: 3.

Di ba? Wala naman talaga daw nabagsak sa kanya eh. Ayon pa daw sa mga kuya ko sa Mapua YFC eh nasabi niya daw na nakakatamad daw magcompute at gumawa ng lesson, plus the fact daw na mas gusto pa niya matulog, gumala at magdota.

Hai. Anung klaseng prof. ba 2?

I'm ending my post here. Till' next time!

1 comment:

  1. Slot Gambling & Casino Site - Lucky Club
    › online › online Play at LuckyClub Online Casino ✚ Bonuses, promotions, latest promotions and much more. All you have to do is sign up to the site luckyclub and make your first deposit,

    ReplyDelete